Food Aid

Mayroon po tayong pamamahagi ng AH FOOD GROCERY VOUCHERS mula sa RED CROSS Netherlands ngayong BIYERNES, ika-23 ng Oktubre 2020, 5:30 – 7:00 PM

Para kanino

Ang AH vouchers ay para lamang po sa mga sumusunod:
1. Sa mga nangangailangan ng tulong;
2. Hindi nakakatanggap ng tulong sa gobyerno; at
3. Walang access sa Food Bank.

Mga iba pang tulong: click here

Saan

Moses and Aaron Church
Waterlooplein 207, 1011 PG Amsterdam
Metro stop: Waterlooplein
Bisitahin ang link para sa mapa: Map Link

First come, first served basis po ito!

Ano ang kailangan dalhin o gawin

Kinakailangan pong sundin ang mga sumusunod:
1. Magrehistro po tayo.
2. Dalhin ang Passport. Ito lamang po ang tatanggapin na form of ID;
3. Magsuot po tayo ng Facemask sa pagkolekta;
4. Panatiliin ang 1.5m na social distancing.

Sa araw ng pagkolekta ng ayuda

Para sa mga unang beses tatanggap ng ayuda

Magrehistro po dito

14 + 3 =

Paala-ala sa lahat tungkol sa registration form

Ang mga impormasyon tulad ng pangalan, passport number, mobile number at email address ay mahigpit nating pangangalagaan alin sunod sa GDPR EU Law. Ang mga tanong na may kulay pula ay kinakalap para sa pag-aaral ng Red Cross Netherlands.

Palatuntunin sa araw ng pagtanggap nang ayuda

1. Pinapakiusap po sa lahat na mag-suot ng FACEMASK at panatiliin ang 1.5m na ligtas na distansya sa bawat isa.
2. Ipakita po ang Passport ID at kumuha ng number. Pasensya na po at passport lang po ang tatanggapin na form of ID, wala pong exception.
3. Pumasok po sa loob ng simbahan at mag-intay sa HOLDING AREA para sa inyong papapaupo.
4. Manatili pong nakaupo habang nag-iintay. Paalaala na tayo po ay nasa loob ng simbahan. Mangyarin pong hinaaan ang pagsasalita bilang paggalang sa mga taong maaring nagdarasal.
5. Hindi po pwede kumolekta para sa iba maliban lang po para sa Senior Citizen.

Umuwi na po kaagad pagkatapos tumanggap! Tayo po ay mag-ingat!

Ayuda sa Amsterdam (May 2020 – Present)

Thank you very much to all who gave support & help

Pin It on Pinterest