Siguro ka kaiba ang story ko sa ibang ng come out na. Di gaya ng iba at the early age they feel already kung ano talaga sila. My big revelation:

Dahil late na ng malaman ko na Lesbian ako, kaya naka pag asawa pa ako at nag karon ng 3 anak. Medyo shocking ba? By the way, i won’t relate all the details na kung paano nangyari. It’s a long story na kasi.

Nalaman ko na Lesbian pala ako ng mag abroad ako. Dahil sa Hong Kong ko nakilala ang babaeng pumukaw ng damdamin ko. Doon na nag simula ng naging couple kami. kaya lahat ng katanungan ko sa sarili ko noon ay nasagot na. Mahirap para sa akin nong una na tanggapin na same sex pala ang mag papasaya sa akin dahil may pamilya ako.(Hiwalay na kami ng tatay ng mga anak ko ng mag abroad ako) Kaya may takot pa rin akong naramdaman lalo na ng mag plano na kami ng partner ko umuwi ng Pilipinas after 4 years. Nabago na rin kasi ang itsura ko. 

“Medyo complicated ang story ko pero the bottom line here, I’m a free person now and i’m proud i have 3 kids on my own that loves me unconditionally.”

Hindi naging madali sa akin ang desisyon umuwi ng Pilipinas sa bago kong kataohan. Di pa kasi uso noon ang mga high tech na gadgets, kaya di nila ako nakita sa loob ng apat na taon.Pero na ibsan ang takot ko ng makita ko sila na naka ngiti at taos pusong tinangap. May mga katanungan akong nakita sa mga mata nila pero wala isa man sa kanila ang nag salita o nag tanong “Bakit nanay ganyan na ang itsura mo” Yakap at halik ay sapat na sa akin na tanggap nila ako, Medyo complicated ang story ko pero the bottom line here, I’m a free person now and i’m proud i have 3 kids on my own that loves me unconditionally.

Sana kayo din tanggap nyo ako, na may tatlong anak pero LESBIAN.

#filipinolgbteurope #comingoutfriday #comingoutstory #lesbian

Do you have a coming out story to share?

Inspired others with your bravery.

Send your stories to: Stories@FilipinoLGBT.eu