Simula ika-19 ng Enero 2021 maari naring makatanggap ng DIGITAL FOOD GROCERY VOUCHERS linggo-liggo hanggang ika-30 ng Septyembre 2021

BUKAS PONG MULI ANG APPLICATION PARA SA DIGITAL FOOD AID PARA LAMANG SA MGA LINGUHANG KUMOKOLEKTA NG PHYSICAL VOUCHERS SA SIMBAHAN

Digital Food Aid

Ano ang Digital Food Aid program?

Ang Digital Food Aid ay isang pilot program na sinusubukan sa pakikipagtulungang ng Red Cross Netherlands. Ito ang kasalukuyang pumapalit sa AH FOOD VOUCHER na inyong natatanggap lingo-linggo. Kapag na aprubado ang inyong aplikasyon, hindi na po kailangan pumunta sa Moses and Aaron Church tuwing Biyernes. Matatanggap nyo na ang AH Food Voucher diretso sa inyong WhatsApp.

Ano ang kailangan gawin?

Mag-apply sa Filipino LGBT Europe tuwing biyernes mula 5:30-6:30 pm araw ng Ayuda sa Amsterdam sa Mozes and Aaron Church sa Waterlooplein, Amsterdam kung hindi ka pa naka register.

Una, kailangan po kayo magpa-register o dumaan sa IN-TAKE na ginagawa ng Filipino LGBT Europe. Dalhin ang inyong passport sa pag-register.

Pagkatapos ng in-take, kailangan po ninyong pumirma sa CONSENT FORM. Ito po ang nagbibigay sa amin ng permiso na ibahagi namin ang inyong phone number at pangalan sa Red Cross. Ito po ay alinsunod sa EU GDPR Law.

Pangatlo, kailangan nyo po gumawa ng SELF-DECRLARATION LETTER – ito po ay ang paggawa ng sulat na angsasaad ng dahilan kung bakit ninyo kailangan ng tulong.  Pakilagay po sa sulat ang inyong pangalan, birthdate, dahilankung bakit kaliangan ng tulong, petsa at inyong lagda.

Ibabalik po kayo sa amin ng Red Cross kung dumeretso po kayo sa kanila gamit ang link ng iba.

Ano ang mangyayari pagkatapos mag-apply?

Makatapos magbigay ng sulat at consent form, magpapadala sa inyo ang Red Cross ng isang mensahe na may karagdagang impormasyon. Ito ay isang mensahe sa WhatsApp mula sa +31 9 7010253442. Kapag binuksan ang mensahe, i-click ang “CONTINUE”. Sagutan ang mga katanungan at i-submit ang mga sagot.

Kailan ito matatanggap?

Linggo-linggo tuwing araw ng Martes ang pagpapadala ng Digital Voucher sa inyong WhatsApp hanggang ika- 31 ng Mayo 2021.

Ang mensahe ay magmumula sa Red Cross sa WhatsApp, kalakip ng mensahe ang digital voucher na inyong magagamit pambili ng pagkain sa Albert Heijn supermarket. 

Kung may katanungan tungkol sa inyong voucher, makipag-ugnayan po sa Red Cross gamit ang link na ito: : https://wa.me/31614458781 o sa phone number: +31 6 14458781.

Kailan ito magsisimula?

Ang pilot program na ito ay magsisimula sa ika-19 ng Enero 2021 at magtatapos sa ika-31 ng Mayo 2021. Ito po ay maaring mabago.

Tulong sa pag-register sa WhatsApp?

Kung kailangan ng tulong, puntahan ang link na ito para sa gabay sa pagrehistro: https://bit.ly/36b0pc3

O pumunta sa Mozes and Aaron Church tuwing araw ng Ayuda sa Amsteradm (Biyernes 5:30-6:30pm).

May mga katanungan?

Kung may katanungan, maaari mag-email po sa AyudasaAmsterdam@FilipinoLGBT.eu o magpadala ng mensahe via WhatsApp sa helpdesk ng Red Cross sa https://wa.me/31614458781.

Nagbago ng phone number sa WhatsApp?

Kung ikaw ay nakapag-register at may bago ng phone number. Hindi na kailangan mag-register muli.  

Ipadala ang mga sumusunod na detalye:
1. Buong pangalan
2. Dating Number
3. Bagong Number

Makipag-ugnayan ng diretso sa Red Cross at ibigay ang mga detalyeng nabanggit sa itaas at gamitin ang link na ito: https://wa.me/31614458781 o sa phone number: +31 6 14458781.

May problema sa digital voucher?

Kung may problema sa inyong voucher, hindi mabuksan, nabura or hindi gumagana?

Makipag-ugnayan po ng diretso sa Red Cross gamit ang link na ito: https://wa.me/31614458781 o makipag-ugnayan sa whatsapp gamit ang number ba ito: +31 6 14458781.

Ano pa ang maaring gawin?

Para makatanggap ng update, i-like or i-follow ang ating Facebook page.  Gamitin ang link sa ibaba.

News related to Covid-19

Feature: Ayuda Heroes

Ayuda sa Amsterdam (March 2020 – Present)

We will always remember the kindness, generosity and compassion you have extended to our community!

Without your help, we will not be able to achieve this:

TOTAL AID

Food Vouchers

Food Packs

Digital Vouchers

Medical Care

Persons Helped

Note: The figures above was last updated on 10 Sept 2021.

Thank you very much to all who gave support & help

Pin It on Pinterest