Nagsimula na po ang Covid-19 Vaccination sa Netherlands
Puwede na magpa-BAKUNA ang mga pinanganak sa taong 2003 o masmaaga. Kung ikaw ay mayroong Medical Condition at pinanganak sa taong 2004 hanggang 2009.
Para sa update mula sa RIVM:
Para magpa-COVID test o magpa-BAKUNA:
Impormasyon tungkol Covid-19 Vaccine
Bakuna laban sa Covid-19
Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay ibibigay nang libre para sa lahat ng taong naninirahan sa Netherlands at nakarehistro sa Munisipyo.
Kabilang dito ang mga taong walang BSN, walang Health Care Insurance, undocumented, assylum seekers, o mga tao na nasa detention centers (for deportation).
Kasama din ang mga tao na nakatira sa bansang Belgium at Germany na malapit sa border ng Netherlands.
Ito ay para lamang sa edad 18 at pataas.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang post ng Philippine Embassy The Hague tungkol dito: https://bit.ly/3xlQGLO
Paliwanag ukol sa bakuna laban sa Covid-19 sa Tagalog. Video mula sa Australian Department of Public Health.
Bakuna Laban Covid-19 para sa Lahat
Impormasyon para sa mga walang papel
Nagpalabas ng anunsyo ang Netherlands Red Cross na nagsasaad na maari nang gumawa ng appointment para makatanggap ng bakuna ang lahat ng tao kabilang ang mga walang BSN or health insurance sa Netherlands. Kabilang dito ang mga assylum seekers, hindi rehistradong migrante, at iba pang naninirahan sa Netherlands.
Para makagawa ng appointment, tumawag po tayo sa GGD hotline 020 555 5202. Bukas ang linya ng telepono araw-araw mula 8:00 am hanggang 8:00pm.
Kailangan ninyo ibigay ang inyong pangalan at birthdate. Kailangan din ang postcode para malaman kung saan ang pinakamalapit na lugar na bakunahan sa inyo. Hindi kailangan ng BSN sa paggawa ng appointment.
Sa araw ng Bakuna kailangan magdala ng ID na may pangalan at inyong birthdate.
Kung may katanungan tungkol sa Bakuna, tumawag po sa GGD hotline. Kung nais nyo ng impormasyon sa Filipino magpunta po sa Ayuda sa Amsterdam sa darating na Biyernes 5:30-6:30pm sa Moses at Aaron Church. Mayroon po tayong mga Philippines Registered Volunteer Nurses na handang magpaliwanag sa inyo tungkol dito.
Kailan ako maaring makatanggap ng bakuna?
Uunahin bakunahan ang mga taong may higit na pangangailangan.
Para sa malawakang pagbabakuna, nakapangkat ang lahat ayon sa edad. Uunahin ang matatanda.
Makakatanggap ang bawat isa ng sulat or email na imbetasyon para magpabakuna. Ito ay boluntaryo at walang bayad.
Magkakaroon muna ng konsultasyon bago bakunahan. Maari ninyong itanong sa doctor ang inyong mga alalahanin. Mabuting banggitin kung mayroon kayong mga karamdaman, gamot na iniinom, o kung kayo ay buntis.
Taon ng Kapanganakan
Petsa ng Pagbibigay ng Bakuna
Uri ng Bakuna
Saan ibibigay ang Bakuna
1931 o masmaaga
Mula ika-25 ng Enero 2021
BioNTech/Pfizer
GGD Vaccination Centres
1932 – 1936
Mula ika-29 ng Enero 2021
BioNTech/Pfizer
GGD Vaccination Centres
1937 – 1941
Mula ika-5 ng Pebrero 2021
BioNTech/Pfizer
GGD Vaccination Centres
1942 – 1946
Mula ika-6 ng Marso 2021
BioNTech/Pfizer
GGD Vaccination Centres
1947 – 1951
Mula ika-6 ng Abril 2021
BioNTech/Pfizer
GGD Vaccination Centres
1952 – 1955
Mula ika-15 ng Abril 2021
BioNTech/Pfizer, AstraZeneca or Janssen
GGD Vaccination Centres
1956 – 1957
Mula ika-15 ng Pebrero 2021
AstraZeneca
Family Doctor (GP)
1958 – 1960
Mula ika-15 ng Abril 2021
AstraZeneca
Family Doctor (GP)
1961 – 1971
Mula Mayo 2021
BioNTech/Pfizer, Moderna or Janssen
GGD Vaccination Centre, Family Doctor, Ospital
1972 – 1981
Mula ika-15 ng Hunyo 2021
BioNTech/Pfizer, Moderna or Janssen
GGD Vaccination Centre, Family Doctor, Ospital
1982 – 1991
Mula katapusan ng Hunyo 2021
BioNTech/Pfizer, Moderna or Janssen
GGD Vaccination Centre, Family Doctor, Ospital
1992 – 2003
Mula katapusan ng Hunyo 2021
BioNTech/Pfizer, Moderna or Janssen
GGD Vaccination Centre, Family Doctor, Ospital
Paalala: Ang mga impormasyon ay gabay lamang at ito ay maaring magbago kahit anong oras.
Impormasyon tungkol sa mga bakuna
BioNTech / Pfizer
- 90% effective rate;
- Ligtas para sa edad 16 pataas;
- Dalawang bakuna, 21 araw ang pagitan;
Read more
AstraZeneca
- 60-80% effective rate;
- Ligtas para sa edad 60 pataas;
- Dalawang bakuna, 4-12 linggo ang pagitan;
Read more
Moderna
- 90% effective rate;
- Ligtas para sa edad 18 pataas;
- Dalawang bakuna, 28 araw ang pagitan;
Read more
Janssen
- 66% effective rate;
- Ligtas para sa edad 18 pataas;
- Isang bakuna;
Read more
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito: https://www.rivm.nl/en/covid-19-vaccination/covid-19-vaccines
Lugar ng mga GGD Vaccination Centres
Magkakaroon ng 140 na lokasyon sa pagbabakuna simula Mayo 2021. Ang lokasyon ng pagbabakunahan ay nakasaad sa sulat or email na matatanggap.
Tanong at sagot tungkol sa bakuna
Sino na ang puwede makatanggap ng bakuna laban covid-19?
Araw-araw ay mayroong bagong anunsyo at tawaga para sa pagbabakuna. Bisitahin ang RIVM facebook page para sa pinaka sariwang balita sa link na ito: https://www.facebook.com/RIVMnl
Kailan ko malalaman kung puwede na ako magpabakuna?
Lahat ng residente ng Netherlands na nakarehistro sa munisipyo ay makakatanggap ng imbitasyon na magrehistro o gumawa ng appointment mula sa kanilang doktor or RIVM. Ito ay sa pamamagitan ng sulat or email.
Maari din bisitahin ang RIVM facebook page para sa pinakasariwang balita gamit ang link na ito: https://www.facebook.com/RIVMnl
Wala pa akong natatanggap na sulat o e-mail para sa bakuna
Inuuna bakunahan ang mga nakatatanda at yung mga taong maaring magkasakit ng lubha kapag nadapuan ng covid-19.
Kung sa tingin ninyo na dapat kayong mapabilang sa mabakuhan kaagad, makipag-ugnayan kaagad sa inyong doktor or GP.
Para malaman kung puwede kana magpabakuna, bisitahin ang link na ito: https://coronatest.nl/ik-wil-me-laten-vaccineren/een-online-afspraak-maken
Paano kung wala akong Doktor or Health Insurance?
Lahat ng permanent or temporary resident ng Netherlands na gustong tumanggap ng BAKUNA Laban Covid-19 ay bibigyan.
Para sa mga taong may katanungan tungkol sa kanilang karamdaman at maaring epekto ng Bakuna Laban Covid-19 sa kanila, may roon po tayong LIBRENG DOKTOR sa Amsterdam tuwing unang BIYERNES ng Buwan para sa mga walang doktor. Ito po ay sa pakikipagtulungan ng Doktors of the World NL.
Sa araw na ito maari din kayong tulungan sa paghanap ng doktor na malapit sa inyo.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link na ito: https://www.filipinolgbt.eu/medical-aid/
Bakit tinatanong ang aking birthdate?
Ang pagbabakuna ay binabase sa edad. Inuuna ang mga matatanda hanggand sa pinakabata. Sa kasalukuyan, ang bakuna ay para lamang sa edad 18 pataas.
Puwede ba magpalista para magpabakuna?
Wala po tayong listahang ginagawa. Papaalalahan lang po natin kayo kapag may tawag na para sa inyong edad.
Ang mga impormasyon tulad ng pangalan, passport number, mobile number at email address na aming nalakap noon ay mahigpit nating pinangangalagaan alin sunod sa GDPR EU Law. Hindi po natin ito binibigay kahit kanino ng wala ninyong pahintulot.
Sumangguni po sa mga volunteers sa araw ng Ayuda sa Amsterdam para sa karagdadang impormasyon.
Saan ako pwede magtanong tungkol sa BAKUNA Laban Covid-19?
Mayroon po tayong grupo ng mga Philippine Registered Nurses na handang magpaliwanag ng tungkol sa BAKUNA Laban Covid-19 at sumagot ng mga katanungan tungkol dito.
Maari kayong magtanong tuwing oras at araw ng Ayuda sa Amsterdam tuwing Biyernes, 5:30 hanggang 6:30 ng hapon sa Mozes and Aaron Church, Waterlooplein 207, Amsterdam.
Ano pa ang maaring gawin?
Para makatanggap ng update, i-like or i-follow ang ating Facebook page. Gamitin ang link sa ibaba.
News related to Covid-19
Ayuda sa Amsterdam Covid-19 Emergency Food Aid ends 1st July 2022
After more than two years of distributing emergency food aid to the community, Ayuda sa Amsterdam...
Walk-in Boostershots available from Sunday 16 Jan 2022 at Rai Amsterdam including undocumented Migrants
Undocumented migrants who are fully vaccinated by the GGD Amsterdam Amstelland can get a booster...
Free Covid Test Kits available in Amsterdam
FREE Covid Test Kits available for our Community this month of January 2022. You can collect your...
Feature: Ayuda Heroes
Ayuda Heroes: Walter
Ayuda sa Amsterdam Heroes: Walter"The home for the golden gays has a special place in my heart. I...
Ayuda Heroes: Chris SB
Ayuda sa Amsterdam Heroes: Chris SBChris is the Foundation’s president. He created and has been...
Ayuda Heroes: Maurits
Ayuda sa Amsterdam Heroes: Maurits This week’s Ayuda sa Amsterdam Hero is Maurits. Born and raised...
Ayuda sa Amsterdam (March 2020 – Present)
We will always remember the kindness, generosity and compassion you have extended to our community!
Without your help, we will not be able to achieve this:
TOTAL AID
Food Vouchers
Food Packs
Digital Vouchers
Medical Care
Persons Helped
Note: The figures above was last updated on 10 Sept 2021.