APPOINTMENT SYSTEM NA PO TAYO
WALANG APPOINTMENT = WALANG AYUDA.

Tuloy po ang ating Ayuda sa Amsterdam ngayong Biyernes, ika-15 ng Enero 2021.


ANO ITO?

Nag set-up po tayo ng appointment system para sa ating pamamahagi ng AH FOOD VOUCHERS. 


BAKIT KAILANGAN NG APPOINTMENT?

Para maiwasan ang overcrowding o pagdating ng mga tao sabay-sabay. Kailangan po nating ng sistema na tutulong sa atin para matiyak na kontrolado ang dami ng taong darating sa bawat pagkakataon.  


PARA KANINO ITO?

Para po ito sa mga nangangailangan ng tulong sa pagkain, hindi nakakatanggap ng tulong sa gobyerno (social benefits), o walang tulong na natatanggap sa Food Bank.  Prioridad po natin ang mga nawalan ng trabaho na walang karapatan na humingi ng tulong sa gobyerno o sa normal Food Bank sa bawat munisipalidad.

Ang Ayuda sa Biyernes, ika-15 Enero 2021 ay para lamang po sa mga nakarehistro na.


MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG APPOINTMENT
1. Piliin kung anong oras po kayo makakapunta sa link na ito:
https://calendly.com/amsterdam-ayuda 
Deadline to make appointment: 12:00 noon, 14 Jan 2021.

2. Isulat ang email address.

3. Bisitahin ang email account at i-click ang link sa email na natanggap mula sa Calendy.com

4. Piliin ang petsa ng Ayuda  (halimbawa: i-click po ang January 15 – Ayuda)

5. Basahin ang mensahe (i-click ang SHOW MORE)

6. Pumunta sa ibabang bahagi ng pahina, hanapin ang kalendaryo at piliin muli ang petsa (halimbawa: i-click ang 15)

7. Pumili ng oras.

8. I-sulat ang inyong sagot sa mga katanungan at ipadala sa pag-click ng “Schedule Event”

ANO ANG MANGYAYARI PAGKATAPOS GUMAWA NG APPOINTMENT
Makakatanggap po kayo ng email na nagkukumpirma ng inyong napiling oras.  Automatic generated email po ito. 


PAKIUSAP SA LAHAT

Pakiusap lang po na dumating lamang tayo sa tamang oras ng appointment ninyo. Huwag pong maaga, at huwag pong late. Ang hindi pagsunod sa oras, hindi pagsuot ng facemask or pagsunod sa 1.5 physical distancing ay pauuwiin ng walang ayuda.

Para po ito sa kapakanan ng lahat. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.


ANO PA ANG MAARING GAWIN
Para makatanggap ng update, i-like or i-follow ang ating Facebook page. 

Do you have a story to tell?

Send your stories to: Stories@FilipinoLGBT.eu

Pin It on Pinterest