ANO ANG DIGITAL FOOD AID PROGRAM?
Ang Digital Food Aid ay isang pilot program sa pakikipagtulungan ng Red Cross Netherlands. Ito po ang pumapalit sa AH FOOD VOUCHER na inyong natatanggap lingo-linggo. Kapag na aprubado ang inyong aplikasyon, hindi na po kailangan pumunta sa Mozes and Aaron Church tuwing Biyernes. Matatanggap nyo na ang AH Food Voucher diretso sa inyong WhatsApp.


KAILAN ITO MAGSISIMULA?

Ang pilot program na ito ay nakatakdang magsimula sa ika-19 ng Enero 2021 at magtatapos ang programa sa ika-31 ng Mayo 2021. Ito po ay maaring mabago.


ANO ANG KAILANGAN GAWIN?
Mag-apply sa Filipino LGBT Europe tuwing biyernes mula 5:30-6:30 pm araw ng Ayuda sa Amsterdam sa Mozes and Aaron Church sa Waterlooplein, Amsterdam kung hindi ka pa naka register.

Kung nakaregister na noon, sagutan ang form na ito: https://app.hellosign.com/s/3EK0EKtc 

Kailangan po kayo magpa-register sa Filipino LGBT Europe. Ibabalik po kayo sa amin ng Red Cross kung dumeretso po kayo gamit ang link ng iba.


ANO ANG MANGYAYARI PAGKATAPOS MAG-APPLY?
Makatapos magbigay or pumirma sa consent form, sa loob ng isang linggo makakatanggap kayo ng email na nagkukumpirma na ang inyong applikasyon ay natanggap na ng Filipino LGBT Europe.

Sa pangalawang linggo, magpapadala sa inyo ang Red Cross ng isang mensahe na may karagdagang impormasyon. Ito ay isang mensahe sa WhatsApp mula sa +31 9 7010253442. Kapag binuksan ang mensahe, i-click ang “CONTINUE”. Sagutan ang mga katanungan at i-submit ang mga sagot.

Linggo-lingo hanggang ika-31ng Mayo 2021, makakatanggap kayo ng mensahe mula sa Red Cross tungkol sa Digital Aid. Kalakip ng mensahe ang digital voucher na inyong magagamit pambili ng pagkain sa Albert Heijn supermarket.


MAY MGA KATANUNGAN?
Kung may katanungan, maaari mag-email po sa AyudasaAmsterdam@FilipinoLGBT.eu o magpadala ng mensahe via WhatsApp sa helpdesk ng Red Cross sa https://wa.me/31614458781.


ANO PA ANG MAARING GAWIN
Para makatanggap ng update, i-like or i-follow ang ating Facebook page.  Gamitin ang link sa ibaba.

Manatili po tayong ligtas at malusog.

Do you have a story to tell?

Send your stories to: Stories@FilipinoLGBT.eu

Pin It on Pinterest

Share This